Pot session sa Valenzuela, naaktuhan ng Valenzuela Police; tatlo, timbog

KULUNGAN ang bagsak ng tatlong katao sa Valenzuela City matapos mahuli ang mga ito sa aktong sumisinghot umano ng shabu ng pulisya sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Salvador Destura, Jr. ang naarestong mga suspek na sina Roland Hipulan alyas “Alvin,” 33 anyos, John Rick Moca alyas “Latek,” 23 anyos, kapwa ng Brgy. Mapulang Lupa at Gerald Galay, 27 anyos, ng Brgy. Ugong.

Ayon kay Col. Destura, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Joel Madregalejo ng impormasyon mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na illegal drug activities o pot sessions sa Servando St., Brgy. Mapulang Lupa.

Isang validation ang isinagawa ng SDEU team sa pangunguna ni PSSgt. Robbie Vasquez at pagdating sa nasabing lugar dakong alas-12:05 ng hating gabi, naaktuhan nila ang mga suspek na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng isang bahay.

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang mabulaga ng mga operatiba at nakumpiska sa kanila ang dalawang transparent plastic sachet na naglalaman ng nasa 4 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P27,200, mga drug paraphernalia at P70 recovered money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.