Arestado ang isang nag-awol (Absence Without Leave) na miyembro ng Philippine Marines sa isinagawang manhunt operation ng mga awtoridad sa Batangas araw ng Linggo.
Sa ulat ni Pol Col. Rex Malimban, Provincial Director ng Batangas kay Police Regional Office 4 Director Brig. General Vicente Danao Jr, nagsagawa ng manhunt operation ang pinagsamang pulisya ng Sto. Tomas at Laurel Municipal Police station upang madakip ang suspek na si Mark Anthony Lizardo,29 anyos, dating miyembro ng Philippine Marines at nasa awol rank no. 5 sa Oplan Lambat Sibat.
Nahaharap sa kasong panggagahasa at walang piyansa ang ibinabang Warrant of Arrest kay Lizardo mula sa sala ni RTC Judge Harito Sawali ng Tanauan City, Batangas .
Samantala,isa din umanong, Most Wanted Person No.1 ng Jala-jala Municipal Police Station sa Rizal ang nasakote ng Laurel sa Barangay Barinayan na si Crispin Bautista alyas Bunao.
May warrant of Arrest mula sa Regional Trial Court noong August 13,2020 sa Morong Rizal dahil sa 5 counts na kasong Republic Act of 7610 at Object Rape.