Sinita ng mga pulis dahil sa curfew violations: 2 kelot, timbog sa “damo”

Share this information:

Nabisto ang dalang pinatuyong dahon ng hinihinalang marijuana sa dalawang binata matapos masita ng mga pulis na nagpapatupad ng city ordinance sa Lungsod ng Navotas.

Sa report kay Navotas Police Sub-Station 3 Chief Police Capt. Cyril Lawrence Tubongbanua, nakilala ang naarestong mga suspek na si Rodelson Roxas, 21 ng Longos, Malabon at Raymart Senolos, 21 ng Dagat-Dagata, Navotas.

Sa imbestigasyon, alas-4:45 ng madaling araw ng Lunes, nagpapatupad ng city ordinance ang mga tauhan ng Sub-Station 3 sa Lapu-Lapu Bridge, Barangay Bangkulasi, Navotas City, nang mapansin nila ang mga suspek na gumagala sa lugar.

Nang sitahin, nakumpiska sa mga suspek ang 22 plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 72 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na tinatayang nasa P8,640 ang halaga.

Agad dinakip ang dalawa na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.