Wanted na Italian, arestado habang nagre-renew ng visa

Share this information:

NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Italian national dahil sa pagiging wanted sa kanilng bansa.

Kinilala ang suspek na si Ivaldi Antonello, 51, na naaresto matapos na tinangkang i-extend ang kanyang visa sa BI Angeles Field Office sa Pampanga.

Ayon kay Alien Control Officer Mark Leslie Gonzales, si  Antonello ay nagsumite ng kanyang pasaporte para i-extend ang kanyang tourist visa nang napansin ng BI personnel na nasa active watchlist ito.

“He has been in the country since 2019, under a tourist visa,” paliwanag ni Gonzales.  “Once we saw his record, we immediately coordinated with the BI’s Fugitive Search Unit (FSU) to effect his arrest,” dagdag pa ni  Gonzales.

Sa kanilang report kay BI Commissioner Jaime Morente, sinabi ni  BI FSU Chief Bobby Raquepo na naaresto si Antonello sa tulong ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group-Angeles City Field Unit.

“We received official communication from Italian authorities requesting assistance in locating him,”  paliwanang ni Morente.

Base sa records, isang warrant of arrest ang inisyu ng Prosecutor’s Office  sa Appeal Court  ng Trieste, Italy noong June 2019 laban sa suspek dahil  sa kasong Aggravated Rape and  Sexual Assault against Minor na isang paglabag sa mga batas sa Italya.

Si Antonello ay inilipat sa BI Warden Facility sa  Bicutan, Taguig kasunod ng pagsasailalim sa  COVID-19 swab test alinsunod sa health protocols.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Evaluation sa "saliva testing," kumpletuhin na -- DOH

Tue Feb 2 , 2021
Inatasan ng Department of Health (DOH) ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na kumpletuhin na sa loob ng dalawang linggo ang evaluation sa saliva testing bilang mas mura at alternatibong specimen gaya ng reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test  para sa COVID-19 detection. Sinabi ni Health Usec. Maria Rosario […]

Follow Us

%d bloggers like this: