COVID-19 cases sa PH, nadagdagan

Share this information:

KARAGDAGANG 1,583 pa ang kumpirmadong nagpositibo sa coronavirus 2019 (COVID-19) sa bansa ayon sa pinakahuling update ng Department of Health (DOH).

Ngayong Pebrero 2, nasa kabuuang 528,853 na ang kaso ng naturang sakit ngunit 30,368 na lamang ang aktibong kaso.

Nadagdagan din ng 39 ang mga gumaling sa sakit kaya umabot na sa kabuuang 487,611.

Ang bilang naman ng pumanaw ay umabot na sa 10,874 dahil sa karagdagang 67 na namatay sa sakit.

Isang duplicate naman ang inalis  sa total case copunts habang isang kaso na nagpositibo ang napag-alamang nagnegatibo.

Bukod ditto, isang kaso rin ang na-tag bilang recovered case ang nareclassified  bilang deaths matapos ang final validation.

Nasa 13 laboratoryo naman ang hindi nakapaghsumite ng datos sa COVID-19 Data Respiratory System (CDRS) nitong Pebrero 1.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.