Evaluation sa “saliva testing,” kumpletuhin na — DOH

Share this information:

Inatasan ng Department of Health (DOH) ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na kumpletuhin na sa loob ng dalawang linggo ang evaluation sa saliva testing bilang mas mura at alternatibong specimen gaya ng reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test  para sa COVID-19 detection.

Sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na nanindigan ang kalihim ng DOH na dapat matapos ng RITM ang validation sa saliva testing.

Umaasa naman ang DOH na mailalabas na ng RITM ang resulta  para maipatupad na ang pagsasagawa ng saliva testing sa lahat ng laboratoryo sa bansa.

Una nang sinabi ni Philippine Red Cross (PRC) Chairman Richard Gordon na madali lamang ang pagkuha ng specimen sa saliva testing dahil “dudura” lamang ang isang indibidwal  sa isang maliit na container o lalagyan.

Bukod dito, mas mura ang saliva testing kumpara sa RT-PCR at  ang mga specimen collector ay hindi na rin kailangan pang magsuot pa ng personal protective equipment kundi face mask, face shield at gloves lamang.

Kailangan lamang aniyang masiguro na ang dudura ay ang mismong tao na magpapatest.

Ayon naman sa DOH, kailangan  ng isang  positibong pagsusuri sa pag-aaral ng RITM  sa saliva testing bago ito payagang gamitin sa ibang laboratoryo. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Game on for Kai Sotto at Gilas

Wed Feb 3 , 2021
The country’s top prospect for a full-blooded Filipino to play in the National Basketball Association (NBA) just flew in town. The lanky Kai Sotto, a second-generation baller by way of his father, former Philippine Basketball Association (PBA) player Ervin, just set foot on Philippine soil after a two-year absence to […]

Follow Us

%d bloggers like this: