Wanted na dayuhan, arestado sa Cavite

Share this information:

Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang wanted na Bahraini national sa Barangay San Francisco II, Dasmarinas, Cavite dahil sa kasong rape sa kanyang bansa.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang takas na suspek na si Alsendi Waleed Abdulla Hamad, 43 anyos, na pansamantalang naninirahan sa nabanggit na lugar.

Inutusan ng Department of Justice (DOJ) ang Fugitive Search Unit (FSU) ng ahensiya upang beripikahin ang katauhan  ni Hamad at ipapadeport siya sa kanyang bansa.

Ayon kay Morente, may warrant of arrest si Hamad sa prosecutor’s office ng Bahrain na sexual assault at possession of pornographic materials may dalawang taon na ang nakakaraan.

 “He will be summarily deported as his presence here and record as a sex offender pose a serious threat to our people,” dagdag pa ni Morente.

Mayroon ding impormasyon na nakalap ang ahensiya na si Hamad ay tumakas patungo sa Pilipinas noon pang Marso 2016 matapos siyang akusahan ng isang babae ng pang-aabuso umano sa kanyang apartment.

Ang suspek ay nasa Camp Bagong Diwa sa Taguig City habang inaayos na ng BI ang deportation sa kanya pabalik sa kanyang bansa.

Blacklisted at hindi na hahayaan pang makapasok sa Pilipinas ang nasabing suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

25 pamilya sa Calamba City, nabiyayaan ng pabahay

Fri Feb 26 , 2021
Ginawaran  ng libreng pabahay ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Calamba ang may dalawampu’t limang pamilya na nakatira sa Nia Road Brgy. Real, Calamba City, Laguna. Ayon sa alkalde ng Calamba City na si Mayor Justin Marc Chipeco, ito ay ang mga informal settlers na lubos na nangangailangan ng […]

Follow Us

%d bloggers like this: