25 pamilya sa Calamba City, nabiyayaan ng pabahay

Share this information:

Ginawaran  ng libreng pabahay ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Calamba ang may dalawampu’t limang pamilya na nakatira sa Nia Road Brgy. Real, Calamba City, Laguna.

Ayon sa alkalde ng Calamba City na si Mayor Justin Marc Chipeco, ito ay ang mga informal settlers na lubos na nangangailangan ng maayos na matitirahan dahila nakatira sila sa delikadong lugar.

Proyekto  ng alkalde ang pagbibigay ng  disenteng matitirhan sa  mga ito upang sila ay maging ligtas sa anumang nakaambang panganib o sakuna sa hinaharap.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.