‘Body cam’ sa police operations, ikakasa na simula sa Marso

Share this information:

ISASALANG na ng pamunuan ng pambansang pulisya sa susunod na buwan ng Marso ang ‘body cameras’ na siyang magiging katuwang sa mga police operations partikular sa Metro Manila.

Ito ay kasunod sa pagsasailalim sa ‘training’ sa paggamit ng ‘body cam’ ang mga pulis na nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) kahapon.

Ayon kay NCRPO-Directorate for Logistics chief Police Major General Angelito Casimiro, ang mga pulis na nasa kamaynilaan lamang muna ang makakagamit ng body cameras sa kanilang police operations.

Nasa kalagitnaan na anya ang second phase para sa mga ibang body cameras na matatanggap naman ng ibat ibang police regional offices.

“After ng training po na ito, they will convene ‘yung acceptance committee and TWG will render a report and within ten days, they will have to make a resolution tungkol sa acceptance ng body-worn cameras sa second phase and that will be recommended by the Committee on Inspection and Acceptance to the Chief PNP, who is the head of the procuring entity,” pahayag ni Casimiro.

Nasa 2,600 piraso ng body cam ang nakuha ng NCRPO at nakatakda ng gamitin ngayong buwan ng Marso.

“We hope and pray that everything will run smoothly, dadaan po sa proseso and by March fully operational na po ‘yung body-worn cameras natin PNP-wide,” dagdag pa ng opisyal.

“Sabi nga ni contract administrator nakadistribute na po to the diffent police stations, police provincial offices ‘yung mga hardware natin,” ani pa ni Casimiro.

Nabatid kay Casimiro na 16-body cameras ang ilalaan sa bawat police operations kung saan walo sa mga ito ay gagamitin ng kanilang operating team.

Giit ni Casimiro, makakatulong umano ng husto ang body camera para maalis ang pagdududa ng publiko sa mga hinihinalang iregularidad sa police operations.

“‘Yung sinasabi po ninyong doubt, ito po ‘yung mag-prove na depensa rin sa amin,” ayon kay Casimiro.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Wanted na dayuhan, arestado sa Cavite

Fri Feb 26 , 2021
Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang wanted na Bahraini national sa Barangay San Francisco II, Dasmarinas, Cavite dahil sa kasong rape sa kanyang bansa. Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang takas na suspek na si Alsendi Waleed Abdulla Hamad, 43 anyos, na pansamantalang naninirahan sa nabanggit na lugar. […]

Follow Us

%d bloggers like this: