Walong tulak ng droga, arestado sa buy bust sa Malabon, Navotas

Share this information:

WALONG hinihinalang drug pushers, kabilang ang dalawang babae, ang nalambat sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa mga lungsod ng Malabon at Navotas.

Ayon kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-8:35 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Luis Rufo Jr. ng buy-bust operation sa kahabaan ng R-10, Brgy. NBBN.

Agad sinunggaban ng mga operatiba sina Reymond Rojas, 38 anyos, Cyrell Mencidor, 23 anyos, at Annieron Lopez, 30 anyos, pawang mga taga Caloocan City matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang police poseur-buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 11.3 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P76,840 at buy-bust money.

Dakong alas-11 naman ng gabi nang matimbog din ng kabilang team ng SDEU sina Jose Dela Cruz Jr., 37 anyos, fisherman at Ruben Ibañez, 56 anyos na isang vendor matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa buy-bust operation sa Judge A. Roldan St., Brgy. San Roque.

Nasamsam sa kanila ang tinatayang nasa 11.2 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P76,160 at marked money.

Sa Malabon, nadakma din ng mga operatiba ng Malabon Police SDEU sa ilalim ng pangangsiwa ni PLt. Alexander Dela Cruz sa pamumuno ni P/Col. Albert Barot si Mark Jaspher Aquino, 25 anyos, Sherwin Fuentes, 27 anyos at Daysun Algunajota, 39 anyos, (pusher/listed) sa buy-bust operation sa Dr. Lascano, Brgy. Tugatog dakong alas-11:10 ng gabi.

Ayon kay PMSgt. Randy Billedo, nakuha sa mga suspek ang tinatayang nasa 4 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P27,200 at marked money.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.