Alert Level 4, makakatulong sa pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 — OCTA

MAKAKATULONG umano sa pagbaba ng mga kaso sakaling ilalagay sa Alert Level 4 ang bansa, ayon sa OCTA Research group.

Ayon kay OCTA Fellow Dr. Guido David, sa pamamagitan ng mas pinahigpit na Alert Level ay maaring mapababa ang  mobility ng mga tao at kapasidad ng mga sasakyan.

Gayunman, hindi pa malinaw sa kanila kung gaano kalaki ang maitutulong sakaling ilagay sa mas mataas na alert level ang bansa.

Tulad sa ibang bansa na muling nagpatupad ng lockdown pero wala ring nangyari at patuloy pa rin ang pagtaas ng kanilang kaso.

Paalala na rin ni Dr. David na mabuting sumunod pa rin sa minimum public health standards upang maiwasan na magkaroon pa ng hawaan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.