Dalawa, arestado sa baril sa Caloocan at Navotas

Share this information:

SA unang araw ng pagpapatupad ng Commission on Elections (Comelec) gun ban, dalawang katao ang naaresto ng pulisya sa checkpoint sa magkahiwalay na lugar sa mga lungsod ng Caloocan at Navotas kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, nagsasagawa ang mga pulis sa pamumuno ni P/Lt. Gomer Mappala ng Comelec checkpoint sa kahabaan ng Rotonda Amparo Subdivision sa Brgy. 179 dakong alas-2:20 ng madaling araw nang parahin nila ang rider na si John Paul Dunlao, 23 anyos, dahil walang suot na helmet.

Nang hanapan si Dunlao ng driver’s license at certificate of registration (CR) ng minamanehong motorsiklo ay napansin ni P/Cpl. Marvin Raphael Prado ang isang cal. 38 revolver na kargado ng apat na bala sa loob ng kanyang belt bag nang buksan niya ito.

Agad siyang dinakip ng mga pulis dahil sa paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act at paglabag sa Omnibus Election Code.

Nauna rito, dakong ala-1 ng madaling araw, habang nagsasagawa din Comelec checkpoint ang pinagsamang mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 3, Special Weapons and Tactics (SWAT) team, Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) at Intelligence Office sa pamumuno ni P/Lt. Luis Rufo, Jr. sa kahabaan ng C-4 Road, Brgy. Bagumbayan, North, Navotas City nang parahin nila ang isang tricycle dahil ang pasahero nito na nakaupo sa likod ng driver ay walang suot na face mask.

Nang bumaba ang suspek na kinilalang si Jerwin Gubaton, 39 anyos, ay aksidenteng nahulog mula sa maluwag niyang short pants ang isang cal. 38 revolver na kargado ng tatlong bala.

Inaresto ng mga pulis si Gubaton at sinampahan ng kasong paglabag sa R.A 10591, paglabag sa Omnibus Election Code at paglabag sa public health protocols.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Vaccination cards now required for Subic entry -- SBMA

Mon Jan 10 , 2022
SUBIC BAY FREEPORT — Those who wish to enter the Subic Bay Freeport are now required to present vaccination cards. The Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) said the measure is to prevent further transmission of COVID-19 in the area and maintain the health and safety of stakeholders in this vital […]
%d bloggers like this: