Walong madre sa isang kumbento, namatay sa COVID-19

WALONG madre mula sa Congregation of the Religious of the Virgin Mary o RVM Sisters ang nasawi matapos na magpositibo sa COVID-19.

Nabatid na ang mga naturang madre ay pawang mga nasa edad na 80 hanggang 90 taong gulang.

Kabilang umano sila sa 62 madre na nagpositibo sa virus mula sa Saint Joseph Home at kumbento ng mga RVM Sisters sa Quezon City.

Ayon kay RVM Sister Ma. Anicia Co, tagapagsalita ng kongregasyon, maliban sa mga madre ay kabilang din sa mga nagpositibo sa COVID-19 ang nasa 52 personnel ng kumbento.

The personnel are still young so they are on the road to recovery. Some Sisters are moving from symptomatic to asymptomatic. Eight of the Sisters, aged 90s and 80s, afflicted with COVID returned home to our heavenly Father,” pagbabahagi pa ni Sr. Co, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Samantala, nilinaw naman ni Sr. Co ang mga naunang ulat na ang dahilan ng “outbreak” sa loob ng kumbento ay sanhi ng hindi pa pagpapabakuna ng mga RVM Sisters at mga personnel.

Ayon sa kanya, wala itong katotohanan sapagkat nito lamang Mayo at Hunyo ay isinagawa ang unang batch ng bakuna sa mga RVM sisters at sinundan din ito ng ikalawang batch nitong Hulyo.

Dagdag pa ni Sr. Co na ang mga hindi lamang nabakunahan sa loob ng kumbento ay ang walong madre na nasawi dahil ang mga ito’y nakaratay na rin sa banig ng karamdaman.

It was not the decision of the RVM congregation, nor the leaders nor the Sister Administrator of the St. Joseph Home. that they would not be vaccinated. The Sister Administrator actually followed up later for their vaccination but it did not come soon,” paliwanag pa niya.

Patuloy rin namang humihiling ng panalangin ang mga apektadong RVM sisters para sa tuluyang kaligtasan at paggaling laban sa virus.

Nananalangin rin sila na pagkalooban ng kalakasan at maayos na kalusugan ang mga nag-negatibong madre upang mapaglingkuran nang maayos ang mga higit na apektado.

Please pray for us especially our Sisters in St. Joseph Home. May our Sisters come to full recovery. May God grant strength to our other Sisters in the communities in the compound strength to continue serving the affected community,” anang madre.

Nagpapasalamat din ang kongregasyon sa mga patuloy na naghahatid ng suporta at panalangin lalo na sa mga higit na apektado ng virus.

Babala naman ni Sr. Co sa publiko na mag-ingat sa mga mapagpasamantalang ginagamit ang pangalan ng RVM Sisters upang makapangalap ng pondo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.