USAP-USAPAN ngayon sa social media ang di-umano ay pagtakbo ni Nash Aguas bilang kandidato sa eleksyon sa susunod na taon.
Sa isang Facebook post ni Cavite City Vice Mayor Denver Chua, makikita na nakataas ang kanang kamay ng aktor bilang bagong miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) political party.
Sa ngayon ay wala pang pahayag na inilalabas ng aktor ukol dito.
Kilala naman ang aktor bilang miyembro noon ng kiddie show na “Gooin Bulilit” at ngayon ay kabilang sa longest-running show na “Ang Probinsyano.”
Makikita sa larawan si Aguas kasama ang girlfriend nito na si Mika dela Cruz.
(PHOTO CREDIT: gmanetwork.com)

