MAHIGIT isang milyon na Pfizer-BioNTech doses ang dumating sa bansa ngayong araw,, ika-22 ng Setyembre.
Lulan ng isang Air Hongkong flight, ang mga bakuna ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 Miyerkules ng gabi.
Ang pagdating ng mga bakuna ay sinalubong nina Dr. Teodoro Herbosa, National Task Force Against COVID-19 (NTF) special adviser, Dr. Ma Paz Corrales, NTF medical consultant, Department of Health Usec. Ma. Carolina Vidal-Taiño, and Lucy Mason, Economic Officer mula sa US Embassy.
May kabuuang bilang na 1,028,430 doses ang mga dumating na bakuna. Ang 811,980 dito ay dadalhin sa Pharmaserv Express cold storage facility sa Marikina. Ang 128,700 naman ay nasa Cebu habang ang 87,750 ay dinala naman sa Davao City..
Sa ngayon, mahigit 66 milyon na ang kabuuang bilang ng COVID-19 doses na natanggap ng Pilipinas simula Marso.
May inaasahan naman ang pamahalaan na karagdagang 806,130 doses na bakuna na darating sa bansa sa Huwebes, ika-23 ng Setyembre.
Nasa mahigit 18 milyong Pilipino na ang fully vaccinated kontra COVID-19, batay sa datos noong Lunes.
Ngayong araw, nasa 162,58 na ang naitalang aktibong kaso sa bansa habang 2,217,611 na ang gumaling, at 37,228 na ang namatay dahil sa COVID-19.

