Walo katao, arestado sa buy-bust sa Valenzuela

Share this information:

Timbog ang walong hinihinalang drug personalities kabilang ang isang ginang matapos makumpiskahan ng halos P0.2 milyon halaga ng shabu sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw.

Sa report ni Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PSSgt. Ana Liza Antonio kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLt. Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Robin Santos sa J. Martin St., Brgy. Pasolo.

Kaagad sinunggaban nina PSSgt. Alvin Olpindo at PSSgt. Samson Mansibang si Rolando Samonte alyas “Tisoy,” 45 anyos, ng Palamores St., Coloong, at si Michael Santos, 47 anyos, ng Santos Comp. Malinta Bukid matapos bentahan ng P5,000 halaga ng shabu si PCpl. Ed Shalom Abiertas na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 20 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P136,000, buy-bust money, P2,750 cash, dalawang cellphone, motorsiklo, bisikleta at coin purse.

Nauna rito, dakong 11:30 ng gabi nang madakma din ng kabilang team ng SDEU sa buy-bust operation sa 67 N. De Galicia St., Brgy. Maysan sina Sahlee De Galicia alyas “Boss,” 49 anyos, Enrico Pamintuan, 49 anyos, Reynaldo Eugenio Jr., 31 anyos, Rogelio Camuñas, Jr., 52 anyos, Alberto Fermin, 56 anyos, at Edgar Lancero, 48 anyos.

Ayon kay SDEU investigator PSSgt. Carlito Nerit Jr., narekober ng mga operatiba sa mga suspek ang nasa 6.5 gramo ng shabu na tinatayang nasa P44,200 ang halaga, P500 buy-bust money, P1,500 cash, cellphone at ilang drug paraphernalia.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Grupo, humiling ng Agri summit at ipatigil ang price ceiling

Tue Feb 9 , 2021
Umapela  ang Pork Producers Federation of the Philippines kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag ng Agricultural Summit upang magkaroon ng win-win solution hinggil sa problema ng suplay ng baboy at manok sa bansa. Sa media forum, sinabi ni Pork Producers Federation of the Philippines Vice President Nicanor Briones na sa […]

Follow Us

%d bloggers like this: