Walang pagtaas sa presyo ng pandesal

Share this information:
TINIYAK ngayon ng isang grupo ng mga panadero na hindi pa magtataas ang presyo ng kanilang pandesal sa kabila ng mataas na presyo naman ng pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay.
 
Ayon kay Luis Chavez, ang Presidente ng Asosasyon ng Panaderong Pilipino, kanila na lamang babawasan ang gagamiting asukal upang maiwasan ang taas-presyo na nasabing tinapay.
 
Sa standard na ginagamit natin na anim na kilo sa isang sako ng harina, ibababa natin ito ng mga apat na kilo ng asukal,” ani Chavez.
 
Ito ang nakikitang nilang pinaka-mainam na paraan na gagawin ng industriya upang hindi magtaas ng presyo ng tinapay.
 
Sa ngayon, ayon kay Chavez ay mayroon pa silang suplay o stock ng asukal ngunit sa susunod na mga araw kung may paggalaw sa presyo o may kakulangan sa supply ng asukal ay kanila itong pag-aaralan para naman sa presyo ng cakes at pastries.
 
Maaaring itaas ng P10 hanggang P100 ang dagdag sa presyo ng cakes at pastries dahil hindi puwedeng isaalang-alang ang kalidad ng kanilang produkto.
 
Ang asukal ang isa sa pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay ng mga panaderya na ngayon ay aabot na sa halagang P95 kada kilo ng puting asukal.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.