Target na bilang ng mga nagpapa-booster, kayang maabot ng DOH sa NCR

Share this information:

BUONG kumpiyansa na ipinahayag ng Department of Health (DOH) na kayang makamit ng Pilipinas ang target na bilang ng mga nagpapa-booster sa Metro Manila.

Sa kabila ito ng nararanasang mga hamon sa pagbabakuna sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Sa ginawang pagbubukas ng Pinaslakas campaign ng DOH sa Polytechnic University of the Philippines, sinabi ni Director Maria Soledad Antonio ng Bureau of International Health Corporation ng DOH, maganda at on target ang bilang ng mga nagpapabakuna sa kalakhang Maynila.

Gayunman, sinabi nito na malaking hamon pa rin sa pamahalaan ang mga lugar na sobrang liblib at hindi basta mapupuntahan ng ordinaryong sasakyan.

Pagtitiyak naman ni Antonio na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito para maihatid ang bakunahan sa lahat ng Pilipino sa buong bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.