Breaking News

Share this information:

NAGPAHAYAG si Manila Mayor Francisco Domagoso na magpatupad ng lockdown sa lungsod kahit pa nakapagtala na ng mga lokal na kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.

Ang pahayag ay tugon ni Mayor Domagoso sa mga nagtatanong kung magkakaroon ba ng lockdown sa kabila na nakapagtala na ng dalawang kaso ng Delta variant sa lungsod.

Tiniyak naman ng alkalde sa publiko na ginagawa ng pamahalaang lungsod ang lahat upang mapigilan ang pagkalat ng variant. Hindi dapat ania mag-alala ang mga Manilenyo dahil sa ngayon ay walang balak ang lokal na pamahalaan na mag-anunsyo o magpa-iral ng lockdown.

Ipinaliwanag niya na kapag nagpatupad sila ng lockdown ay maraming tao ang maaapektuhan ang trabaho, at marami rin aniya ang tiyak na magugutom kapag nagpa-iral ng nasabing kautusan sa lungsod.

Aniya, sa halip na lockdown, sinabi ni Mayor Domagoso na palalakasin pa nila ang kanilang isinasagawang COVID-19 vaccination at ito ang kanilang tinututukan ngayon upang maproteksiyunan ang mga mamamayan laban sa virus. Kasabay nito ang patuloy na pagsunod sa health at safety protocols.

Pagtitiyak pa ng alkalde sa mga mamamayan ng Maynila na kanilang ginagawa na rin ang mga pamamaraan  upang makakuha ng dagdag na supply ng COVID-19 vaccines at magtuloy-tuloy ang bakunahan sa lungsod.

Ang pahayag ng alkalde ay kasunod na rin ng mga katanungan ng publiko kung magkakaroon ng lockdown sa Maynila dahil sa natukoy na local case ng Delta variant kung saan isa na ang iniulat na namatay mula sa Pandacan.

(May kasamang ulat ni Jonah Aure)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: