Breaking News

Share this information:

NANGANGAMBA ang OCTA Research Group na posibleng mayroon na ngang local transmission ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19 sa bansa.

Ito’y kasunod nang pagkumpirma ng Department of Health (DOH) na may natukoy silang 11 lokal na kaso ng Delta variant sa Pilipinas.

Malamang may local transmission na ‘yan. Meron na ‘yan kasi may local cases na tayo na walang travel history,” ayon kay Professor Guido David ng OCTA Research sa panayam sa radyo.

Una nang iniulat ng DOH na sa ngayon ay mayroon nang 35 kaso ng Delta variant sa bansa.

Sa naturang bilang ay 11 ang lokal na kaso habang ang iba pa ay mga returning overseas Filipinos (ROFs).

Tatlo na rin sa mga ito ang binawian ng buhay habang nakarekober naman na ang iba pa.

Ayon sa DOH, nagsasagawa na sila ng contact tracing upang matukoy kung mayroon na ngang lokal na transmission ng variant sa bansa.

Sa ngayon anila ay wala pa silang nakikitang kaugnayan sa isa’t isa ng mga pasyenteng dinapuan ng Delta variant gayung wala namang travel history ang mga ito.

(PHOTO CREDIT: webmd.com)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: