Walang dapat ikabahala ang publiko tungkol sa “monkeypox” — Philippine Medical Association

IPINAHAYAG ng Philippine Medical Association (PMA) na hindi dapat mabahala ang publko sa banta ng monkeypox.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Dr. Benito Atienza, presidente ng PMA, na kailangan lamang ay maging alerto sa mga sintomas na mararanasan dahil baka iba naman pala ito at hindi monkeypox.

Pwede rin kasing magkakatulad ang sintomas na maranasan sa monkeypox, COVID-19 at trangkaso tulad ng sakit ng ulo at lagnat.

Ayon kay Atienza, maiging magpa check up agad sa doctor sakaling may maramdamang sintomas upang hindi na ito lumala pa at hindi magdulot ng pagkahawa ng iba.

Pinayuhan din ni Atienza ang publiko na ituloy lamang ang pagsusuot ng face mask, physical distancing, at magkaroon ng maayos na ventilation sa bahay o sa opisina.

Maigi rin na maging malinis lagi sa katawan at sa kapaligiran, habang kailangan din aniyang mag ingat ang mga galing sa ibang bansa at tiyaking walang maipapasang sakit sa ating mga kababayan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.