PINAWI ng Department of Health (DOH) ang anumang pangamba tungkol sa posibleng pagpasok sa bansa ng isa uling panibagong uri ng sakit
Ito ay ang CCHF o Crimean-Congo Haemorrhagic Fever na bunga ng isang virus na nagdudulot ng matinding lagnat na may sintomas ng pagdurugo ng ilong o nosebleed
Ayon sa DOH, napakababa ng posibilidad na makalusot sa bansa ang CCHF na endemic o matatagpuan lamang sa Affica, Balkan States, Middle East at ilang bansa sa Northern Asia.
Sinabi ng DOH na ang virus ay karaniwang naipapasa sa pamamagitan ng kagat ng insekto at contact o pagkakadikit sa infected na dugo ng hayop, laman o body fluids.
Karaniwan umano ito sa mga nagtatrabaho sa sektor ng paghahayupan o livestock, agrikultura, veterinarian at katayan o slaughter industry
Kasama rin sa mga sintomas ng CCHF ay lagnat, pananakit ng kalamnan o muscle, pagkahilo, pagsakit ng leeg at paninigas, pagsakit ng likod, pagsakit ng ulo, sore eyes, pagiging sensitibo sa liwanag, nausea, pagduduwal, pananakit ng tiyan, LBM o diarrhea at sore throat.
Ang CCHF ay naitala sa Iraq kung saan ilan sa mga pasyente ay nakaranas ng mga sintomas kabilang ang psgdurugo ng ilong,