Wala pang 2nd wave ng COVID-19 sa Pilipinas – WHO

WALA pang nakikitang batayan ang World Health Organization para masabing mayruon nang 2nd wave sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay WHO Philippine Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, upang maituring na mayruong 2nd wave ay dapat na makita muna ang flat curve ng COVID-19 cases na hindi pa naman nakukuha ng Pilipinas.

Sa mga nakalipas na buwan aniya ay nananatiling mataas ang COVID-19 cases sa bansa at mayruong matatawag na community transmission silang namomonitor sa National Capital Region, at iba pang rehiyon.

Pero paglilinaw nito, hindi ang bagong variants ng COVID-19 ang community transmission na kanilang namomonitor.

Samantala, inirerekomenda rin ng WHO ang pagkakaroon ng vaccine passport sa Pilipinas para sa mga naturukan ng COVID-19 vaccine bilang ebidensya na sila ay nabakunahan.

Naniniwala pa si Abeyasinghe sa pangangailangan na mabuksan na rin ang mas malawak pang economic activities at patuloy na pagtatrabaho sa Pilipinas kaya’t susuportahan ng WHO ang pagbibigay proteksyon sa 20 porsyento ng populasyon ng bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.