Granular lockdown sa Navotas, ipinatupad

Share this information:

Isinailalim sa granular lockdown ang sampung lugar sa Navotas City matapos tumaas ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa mga lugar sa lungsod.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, kabilang sa mga ni-lockdown ang Navotas City Hall-Pebrero 23-Marso 9, 2021, Gov. Pascual Sipac Almacen mula  Pebrero 24 – Marso 10, 2021, Sioson St., Bangkulasi – Pebrero 26 -Marso 12, 2021, Interior H. Monroy St., Navotas West – Pebrero 26 – Marso 12, 2021, Little Samar St., San Jose – Marso 1 – 14, 2021, Daisy St., NBBS Proper – Marso 2 – 15, 2021, Pat Cabrera St., San Roque – Marso 3 – 16, 2021, Blk 37 NBBS Dagat Dagatan – Marso 4 – 17, 2021, Estrella St., Navotas West – Marso 7 – 20, 2021 at Gov. Pascual St., Sipac Almacen – Marso 7 – 20, 2021.

Lahat aniya ng mga residente na sakop ng naturang mga lugar ay dapat sumailalim sa sa Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) swabbing at walang papayagan umalis sa kanilang bahay habang naka-lockdown.

Papayagan naman pumasok sa kani-kanilang mga trabaho ang mga essential workers na exempted ng IATF kabilang ang nagtatrabaho sa Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) at mga residente basta magpresenta ng valid company ID o certificate of employment at negative RT-PCR result.

Hindi papayagang lumabas ang mga vunerable sector, particular ang mga matatanda at mga batang edad 18-anyos pababa maliban kung may medical emergencies.

Bibigyan naman ng mga food packs ng pamahalaang lungsod ang apektadong mga residente ng granular lockdown.

Isang dahilang tinukoy ni Tiangco ng pagbilis ng pagkalat ng COVID-19 ang hindi pagsusuot o hindi tamang pagsusuot ng face mask o face shield kaya’t muling ipinaalala ng alkalde ang kahalagahan ng pagsunod sa health standards.

Nitong Marsi 8, 2021, umabot na sa 6,401 ang tinamaan ng naturang sakit sa lungsod, 508 dito ang active cases, 5,694 ang gumaling at 199 ang mga namatay.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Wala pang 2nd wave ng COVID-19 sa Pilipinas - WHO

Tue Mar 9 , 2021
WALA pang nakikitang batayan ang World Health Organization para masabing mayruon nang 2nd wave sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Ayon kay WHO Philippine Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, upang maituring na mayruong 2nd wave ay dapat na makita muna ang flat curve ng COVID-19 cases na hindi […]

Follow Us

%d bloggers like this: