Pedicab driver, sinaksak ng kapwa driver

Share this information:

Nasa malubhang kalagayan ang isang pedicab driver matapos itong komprontahin, sapakin at saksakin ng kapwa pedicab driver sa Malabon City kamakailan.

Kinilala ang biktima na si Elmer Delos Reyes, 36 taong gulang, ng 90 C Arellano, Brgy. Ibaba, habang naaresto naman ng mga tauhan ni Sub-Station 6 head PLt. Manny Ric Delos Angeles ang suspek na kinilalang si Joey Lacson, 32 anyos, ng 62 AV Reyes St., Brgy. San Agustin.

Lumabas sa imbestigasyon na dakong alas 11 ng gabi, nakaupo ang biktima sa kanyang pedicab habang naghihintay ng pasahero sa harap ng Master Garden, Brgy. San Agustin nang komprontahin ito ng suspek.

Sa hindi malaman na dahilan, kaagad sinapak ng suspek ang biktima saka sinaksak sa kaliwang leeg bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod naman sa pinakamalapit na pagamutan si Delos Reyes.

Kusang loob naman na sumuko ang suspek sa Brgy. San Agustin habang inaalam pa ng pulisya ang motibo nito sa pananaksak sa biktima.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

"Tanim Ebidensiya," pinabulaanan ng PRO 4-A

Wed Mar 10 , 2021
CAMP VICENTE LIM, CALAMBA CITY, LAGUNA–Pinabulaanan ni Calabarzon Police (PRO 4-A) Regional Director PBrig. Gen. Felipe Natividad ang akusasyon ng mga miyembro ng Communist Terrorist Groups (CTGs) na tinamnan lamang ng ebidensya ang mga aktibistang napatay sa isinagawang raid noong Linggo. Ito ay bahagi lamang ng pagpapatupad ng Search Warrants […]

Follow Us

%d bloggers like this: