Wala nang extension sa COC filing — COMELEC

Share this information:

Walang nang ibibigay na extension ng filling ng Certificate of Candidacy o COC, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ni Comelec spokesperson Director James Jimenez, ang filing ng COC ng mga nais kumandidato para sa 2022 May elections ay nakatakda sa Oktubre 1-8, 2021.

Ayon kay Jimenez, ang last minute na pagbabago ng kandidato o withdrawal ng kanilang candidacy ay hanggang November 15 lamang.

Paliwanag niya, dapat nakapag-file na ng withdrawal of candidacy ang isang kandidato dahil kailangan na aniyang mag-imprenta ng mga balota sa nasabing petsa.

Meron naman aniyang calendar of activities kung saan  nakadetalye  ang window for withdrawal.

“Puwede ka involuntary withdrawal dahil namatay o disqualified pwede ka mag-replace pero substitution, voluntary withdrawal ay hanggang Nov. 15,” ayon pa kay Jimenez.

Samantala, target pa rin ng Comelec na umabot sa 4 milyon ang bagong botante  sa mga mag-18 taong gulang.

Sa ngayon ay nasa 1.9 milyon pa lamang ang nagpaparehistro kasama na ang mga new registered voters at mga nag-reactivate ng kanilang voters registration.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Oil smuggling sa PH, nabuking sa Kamara

Mon Feb 22 , 2021
PINAIIMBESTIGAHAN na ni House Committee on Ways and Means Chairman at Albay 2nd District Representative Joey Salceda sa Department of Finance (DoF) at Bureau of Customs (BOC) ang talamak na ‘fuel smuggling’ sa bansa. Kasunod ito sa nangyaring pagdinig sa kamara kung saan inirekomenda ni Salceda ang pagbuo ng isang Task […]

Follow Us

%d bloggers like this: