18 police personnel, adik sa shabu

Share this information:

NASA 18 tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang umanoy nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga kasunod ng patuloy na pagsasala ng pamunuan sa kanilang hanay.

Sa pulong balitaan kanina sa Camp Crame, ini-ulat ng PNP Crime Laboratory na 18 sa kanilang hanay ang nagpositibo sa isinagawang surpresang random drug test.

Sakop nito ang petsang January 1 hanggang Feb. 20, 2021.

Kabilang sa mga positibo sa paggamit ng shabu ay ang 17 police officers habang 1 naman ang Non Uniformed Personnel.

Sa kabuuan nasa 80, 507 PNP personnel ang sumalang sa drug test.

Isinagawa ang random drug test sa National Headquarters ng pambansang pulisya at maging sa ibat ibang police regional offices. Kaugnay nito ay sumasalang na sa imbestigasyon ang mga tauhan ng PNP na positibo sa drug test kung saan ay posibilidad na matanggal agad ang mga ito sa police service.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.