Oil smuggling sa PH, nabuking sa Kamara

Share this information:

PINAIIMBESTIGAHAN na ni House Committee on Ways and Means Chairman at Albay 2nd District Representative Joey Salceda sa Department of Finance (DoF) at Bureau of Customs (BOC) ang talamak na ‘fuel smuggling’ sa bansa.

Kasunod ito sa nangyaring pagdinig sa kamara kung saan inirekomenda ni Salceda ang pagbuo ng isang Task Force na tinatawag na “Task Force Paihi” na siyang mangunguna sa pagiimbestiga sa pagpupuslit sa mga produktong petrolyo, maglatag ng mga programa at magsagawa ng pag-audit upang mapuksa ang ‘oil smuggling’ activities.

Ayon kay Salceda, aabot sa P357-Billion ang foregone revenues o kitang nawala sa pamahalaan dahil sa oil smuggling mula noong 2010 hanggang 2019.

Bagama’t nakatulong ang fuel marking sa ilalim ng TRAIN Law noong 2018 laban sa smuggling, sinabi ni Salceda na apektado pa rin ang nakokolektang buwis.

Aniya, pinakamadaling maipuslit ang mga produktong langis sa Freeport zones kung saan ang fuel marking ay mas maluwag, at source din ang customs bonded warehouses.

Dagdag ni Salceda, kaya may ilang gasolinahan na mura ang produkto ng P10.00 kumpara sa mga kakumpitensya ay dahil sa oil smuggling.

Sa panig naman ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, kanyang sinabi na ang BOC ay kumikilos na kasama ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG), National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Energy.

Sinasabing isa ang Subic Bay Freeport Zone (SBFZ) na binabantayan kaugnay sa talamak na oil smuggling sa bansa dahil na rin sa pakikipagsabwatan ng ilang law enforcers nito at ng ilang tiwaling tauhan ng Bureau of Customs.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

DOH, tiniyak na handa na ang bansa sa MGCQ

Mon Feb 22 , 2021
Tiniyak ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III na handa na ang bansa na sumailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).  Ito ay sa kabila ng tumataas na bilang ng mga COVID-19 cases sa ilang lugar, partikular na sa Metro Manila.  “I think we are ready. I can say that […]

Follow Us

%d bloggers like this: