APRUBADO na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsasagawa ng voter registration sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine o MECQ, kabilang ang Metro Manila.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ito ay matapos aprubahan ng Comelec en banc kasunod na rin ng ilang mga apela at panawagan para sa mga botante na nais magparehistro.
Simula September 6 ay maaari na muling magparehistro ang mga bagong botante makaraang masuspindi dahil sa umiiral na quarantine status sa Metro Manila at ilang lugar sa bansa.
Magsisimula ang voter registration mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon .
“COMELEC en banc just now approves conduct of registration, from 8AM-5PM, in areas under MECQ, starting September 6, 2021. In-mall voter registration will be allowed,” ayon kay Jimenez.
Nauna na nang inihayag ng Comelec na hindi papayagan na magsagawa ng voter registration sa mga non-GCQ o MGCQ upang maiwasan na malantad ang mga tao sa COVID-19
Bukod dito, sinabi rin ng Comnelec na hindi na kailangan pang palawigin ang voter registration

