NAGSAGAWA na rin ng bakunahan sa mga health centers sa lungsod ng Maynila.
Ito ay nagsimula ngayong araw para sa first dose ng mga priority group kabilang ang mga A1, A2, A3, A4 at A5.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso,
Nasa 45 health centers ang binuksan ng lungsod upang matiyak na lahat ng Manilenyo na kabilang sa nasabing kategorya ay mabibigyan ng bakuna laban sa sakit na COVID-19.
Pinayagan na rin muli ang mga “walk-in” sa nasabing vaccination sites kung saan naglaan ng 1,500 doses ng bakuna sa bawat District Health Center sa nasabing lungsod, ayon kay Manila Mayor Francisco Domagoso.
Maging sa apat na mall sites ay tuloy-tuloy din ang walk-in vaccination kabilang rito ang SM San Lazaro, SM Manila, Lucky Chinatown Mall, at Robinson’s Place Manila na may tig-1,000 dose ng bakuna sa bawat site.
Tatanggap din ang pamahalaang lokal kahit na hindi residente ng Maynila upang mas marami ang mabakunahang populasyon sa bansa.
Ang vaccination para sa mga walk-in ay itinigil sa Maynila dahil sa umano’y hindi organisadong pila sa mga vacination site at pila sa mga magpapabakuna.
Pero ngayon muli itong binuksan para sa mga indibidwal na nais magpabakuna kontra COVID-19.

