Valenzuela mayor, nabakunahan na kontra COVID-19

Share this information:

Natanggap na ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang kanyang unang dose ng bakuna kontra COVID-19 na ginanap sa People’s Park Amphitheater ng lungsod.

Ang National Capital Region (NCR) ay nasa ilalim ng critical o high-risk na lugar kung kaya’t ang mga mayor at mga governor ay classified na sa ilalim ng A1 o ang unang priority group na makatanggap ng COVID-19 vaccine, pa-unawa na ang mga local chief executive ay itinuturing na essential frontliner na inihayag ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).

Matagal ninyo na naririnig na lahat tayo maging bahagi ng solusyon laban sa COVID-19… Bilang indibidwal eto ‘yung contribution ninyo sa paglaban sa COVID-19. Katulad ko… Ang ginamit ko na bakuna ay Sinovac, wala naman akong nararamdaman na hindi maganda. Normal na normal. So huwag tayong matakot,” sinabi ni Mayor Rex matapos matanggap ang kanyang unang dose ng Sinovac.

Basta FDA approved ang bakuna, it doesn’t matter which brand you use. Ang importante magpabakuna tayo,” dagdag niya.

Noong Marso 31, ang bilang ng mga eligible frontline health worker na nakatanggap ng bakuna sa COVID-19 mula sa Department of Health (DOH) ay nasa 4,571, na may 3,886 na indibidwal sa unang dosis na umabot sa 85 porsiyento, at 49 indibidwal naman ang nakumpleto na ng pangalawang dosis ng bakuna.

Noong Abril 7, nakapagtala na ang lungsod ng Valenzuela City ng 1,006 na aktibong kaso ng COVID-19. Ang total na mga kompirmadong kaso sa lungsod ay nasa 13,883, kung saan 12,537 na ang gumaling at may 340 na mga pumanaw.

Muling nagpaalala sa lahat si Mayor Rex na magparehestro sa www.valtrace.appcase.net, na ang pagpabakuna ay isang simula tungo sa isang ligtas na komumidad. “Ang panawagan ko sa inyo — Huwag na tayo magalinlangan, magpabakuna na tayo. Para sa kaligtasan ninyo ito, ng inyong pamilya, at ng sambayanang Valenzuelano.”

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Tricycle driver, arestado dahil sa panunuhol sa pulis

Fri Apr 9 , 2021
Isang tricycle driver na una nang natiketan ng pulis sa paglabag sa traffic restriction code ang arestado matapos balikan ang mga pulis at suhulan ng P1,000 kapalit ng pagbawi sa kanyang ordinance violation receipt (OVR) Huwebes ng madaling araw sa Malabon City. Ayon kay P/Col. Joel Villanueva, hepe ng Malabon […]

Follow Us

%d bloggers like this: