Kelot, pinasok sa bahay at binaril sa ulo

Share this information:

Isang lalaking may nakabinbin na kasong robbery at illegal drugs ang pinasok sa bahay kung saan ito naroroon at binaril sa ulo ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Si Jeffrey Sucgang, 30 anyos, ng Phase 7A Package 10 Excess Lot, Brgy. 176, Bagong Silang ay isinugod ng kanyang kapitbahay sa North Caloocan Medical Center kung saan ito ay nasa kritikal na kondisyon sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo.

Sa report na pirmado ni Duty Staff Officer P/ Lt. Rolando Domingo, dakong 1:30 ng hapon, nasa loob si Sucgang ng bahay ng kanyang kapitbahay na si Ryan Villa sa Phase 78, Package 6, Block 35 Lot 2, Brgy. Bagong Silang nang biglang pasukin ng dalawang lalaki ang bahay kung saan isa sa mga ito ay armado ng baril saka binaril sa ulo ang biktima.

Inakala ng mga suspek na patay na ang biktima kaya’t mabilis na tumakas ang mga ito sa hindi matukoy na direksyon sakay ng kanilang get-away na motorsiklo.

Ayon kay police investigator P/Cpl. Bryan Topinio na base sa records ng Caloocan Police Crime Information Reporting and Analysis System (CIRAS), ang biktima ay dating may kasong robbery at paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Valenzuela mayor, nabakunahan na kontra COVID-19

Fri Apr 9 , 2021
Natanggap na ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang kanyang unang dose ng bakuna kontra COVID-19 na ginanap sa People’s Park Amphitheater ng lungsod. Ang National Capital Region (NCR) ay nasa ilalim ng critical o high-risk na lugar kung kaya’t ang mga mayor at mga governor ay classified na sa […]

Follow Us

%d bloggers like this: