Tricycle driver, arestado dahil sa panunuhol sa pulis

Share this information:

Isang tricycle driver na una nang natiketan ng pulis sa paglabag sa traffic restriction code ang arestado matapos balikan ang mga pulis at suhulan ng P1,000 kapalit ng pagbawi sa kanyang ordinance violation receipt (OVR) Huwebes ng madaling araw sa Malabon City.

Ayon kay P/Col. Joel Villanueva, hepe ng Malabon city police, dakong alas-5:47 ng madaling araw nang sitahin nina Cpl. Bengie Nalogoc at Cpl. John Carlo Mata ng Malabon Police Sub-Station 6 si Leonardo Dela Cruz, 47 anyos, habang patungo sa binabantayan nilang lugar sa Estrella St. Brgy. Tañong, na kabilang sa quarantine control point (QCP) sa lungsod.

Natuklasan ng mga pulis na nagmula pa sa Navotas City si Dela Cruz at pumasok sa lungsod ng Malabon, na isang paglabag sa umiiral na panuntunan sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) kaya’t inisyuhan siya ng OVR ni Cpl. Nalogoc at pinabalik mula sa kanyang pinanggalingan.

Gayunman, ilang sandali lamang ay bumalik si Dela Cruz at inalok ng areglo ang mga pulis, sabay abot sa P1,000 bilang suhol.

Dahil dito, inaresto na siya ng tuluyan ng mga pulis at dinala sa Station Investigation Unit ng Malabon police upang ireklamo kaugnay sa paglabag sa Article 212 ng Revised Penal Code o ang Corruption of Public Official.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Navotas, namahagi na ng cash aid sa mga residente ng lungsod

Fri Apr 9 , 2021
Nagsimula na ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng pamamahagi ng financial assistance sa kanilang constituents na lubos na naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ). Base sa payroll ng Bayanihan 1 Social Amelioration Program (SAP), ang Navotas ay may 27,905 beneficiaries. Ang master list para sa iba pang beneficiary groups kabilang […]

Follow Us

%d bloggers like this: