BREAKING
LUMAGDA na ang Valenzuela City government at kumpanyang AstraZeneca Pharmaceuticals Philippines sa isang kasunduan para sa pagbili ng 640,000 doses ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, inihahanda na nila ngayon ang vaccine roll out plan ng lungsod upang maging maayos na ang distribusyon ng bakuna kapag nagsimula na itong dumating.
Sakaling matuloy ang pagbili, tinatayang 320,000 indibidwal ang mababakunahan ng dalawang doses.
Nangangahulugan ito ng 70 porsyento ng target population ng lungsod pero hindi kasama ang 18-taong gulang pababa.
Inaasahan namang darating ang mga bakuna sa ikalawang quarter ng taon.