Vaccine storage facility sa Maynila, binuksan na

Share this information:

Handa na ang pamahalaang lungsod ng Maynila na ipagamit sa ibang local government units  at ahensya ng pamahaalan ang vaccine storage facility nito.

Ito ang inianunsyo kahapon ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kasabay ng pagbubukas ng  vaccine storage facility ng lungsod sa Sta. Ana Hospital, na matatagpuan sa New Panaderos Extension, Sta. Ana, Manila.

Nabatid na  bumili ang Manila LGU ng 12 refrigeration units  at nakapalibot din ang mga CCTV camera upang matiyak na ligtas ang  mga vaccine. 

Ayon kay Domagoso, sa panahon ng  pandemya ay kinakailangan magtulungan ang lahat kaya maaaring mag imbak ng vaccine ang ibang LGU dito kung wala silang sariling storage facility. 

“Vaccine is the solution. Kapag panatag ang tao kahit paano makakakilos tayo ng maayos,” ani Domagoso. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.