Ekstrang-hero, bumida sa Binangonan

Share this information:

BINANGONAN, Rizal — Kinilala ng Bayan ng Binangonan ang kabayanihan ng isang 54-anyos na buko vendor sa pag-apula ng apoy mula sa isang nagliliyab na tricycle sa Barangay Pantok, Binangonan, Rizal.

Walang alinlangang ibinuhos ni Larry Lasac ang lahat ng kanyang panindang malamig na buko juice sa naglalagablab na sasakyang pampubliko.

Dahil sa kanyang natatanging kabayanihan, minarapat ng Binangonan local government na magbigay pugay sa nasabing buko vendor.

Bukod sa Certificate of Recognition, pinagkalooban din ng financial assistance ng bayan ng Binangonan, na kinakatawan ni Municipal Administrator Russel Callanta Ynares, si Lasac, na pilit bumabangon sa kabila ng kahirapang dulot ng pandemya.

Isinama na din ng Binangonan LGU si Lasac sa kanilang mga livelihood assistance programs.

Si Lasac, kasalukuyang naninirahan sa Barangay Tayuman, ay isa sa libo-libong jeepney driver na nawalan ng hanapbuhay nito lamang nakaraang taon.

Ito ang dahilan upang siya’y magpasyang magbalik-probinsiya.

Gayunpaman, itinulak siya pabalik ng Binangonan dahil sa mas mahirap na sitwasyong kanyang kinasadlakan sa kanilang lalawigan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.