Recoveries sa COVID-19, nasa higit kalahating milyon na

Share this information:

Lumagpas na sa kalahating milyon ang mga gumagaling sa sakit na Coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos makapagtala ng karagdagang 423 ang gumaling mula sa sakit na ito ngayong araw, Pebrero 11, 2021.

Dahil dito, umabot na sa 500,335 ang kabuuang bilang ng mga recoveries.

Gayunman , pumalo naman sa 543,282 ang kabuuang bilang ng mag nagpopostibo sa sakit  dahil sa  karagdagang 1,734 na tinamaan ng COVID-19 ngayong araw batay sa pinakahuling update ng Department of Health (DOH).

Nasa 68 naman ang nadagdag sa mga pumanaw dajhilan para umabot na sa 11,469 ang total COVID-19 deaths sa bansa.

Paalala muli ng DOH sa publiko, alalahanin ang walang mintis na pagsuinod sa minimum public health standards habang papalapit na ang pagdating ng bakuna.

Sa pagsalubong  ng Lunar Nerw Year ay bigyang priority ang pag-iingat  upang ligtas ang pagdiriwang mula sa peligro ng COVID-19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.