Vaccine rollout, bibilis pa pagdating ng mga bakuna – DOH, NTF

Share this information:

Tiniyak ngayon ng Department of Health (DOH) at ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) sa publiko na ang kasalukuyang takbo ng pagbabakuna ng COVID-19 para sa mga healthcare workers  (HCW) ay inaasahang tataas nang mabilis sa sandaling dumating na ang biniling  mga doses pati na rin ang mula sa COVAX facility  sa  kalagitnaan ng second quarter ngayong taon.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, inaasahan na ang pagbabakuna ng mga HCW ay patuloy na isasagawa upang matiyak na ang mga ospital ay fully operational  at ang kanilang mga tauhan sa ospital ay sapat anumang  oras, kung saan  ang mga HCW  na  nabakunahan ay ang nagpapanatili ng integridad ng sistemang pangkalusugan.

“In anticipation of local and systemic reactions that can occur as a result of vaccination and may render some vaccinees unable to report to work, hospitals needed to spread out the vaccination of their staff. Hindi pwedeng lahat sabay-sabay because we need to ensure na meron tayong sapat na bilang ng medical frontliners para magpatakbo ng ospital,” anang kalihim.

“While herd immunity is the goal of every country including ours, our short-term goal with the limited vaccine supply is to reduce mortality and protect those who are at most risk.” ayon pa sa kalihim.

Kumpiyansa ang DOH na marami pa ang mababakunahan sa sandaling dumating na ang mga bakuna kontra COVID-19. Ngunit habang hinihintay ang mga ito, pagkakataon na aniya na mabakunahan, at binigyang-diin din ni Duque  na hindi dapat magpabaya.

Ang pagbabakuna, ayon pa sa kalihim, ay isa lamang sa mga diskarte upang labanan ang virus ngunit ang pagsunod sa minimum public health standards (MPHS) ang pinakamahusay pa rin.

“We are confident that we will be vaccinating much more once our vaccines arrive, but while we wait for our turn to get vaccinated, I want to emphasize that we cannot let our guards down. Vaccination is only one of our strategies to beat this virus, but our adherence to MPHS is still the best,” pahayag pa ni Duque.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Arranque market, bukas na; vendor at helper na walang health clearance, bawal magtinda at pumasok

Sun Mar 14 , 2021
HINDI papayagang magtinda at makapasok ng Arranque Market  ang mga vendor at helper na hindi sumalang sa swab test at walang clearance mula sa Manila Health Department (MHD).  Ito ang direktiba ni Manila City Administrator Felixberto Espiritu kay Arranque Market Master Rith Almodovar.  Ayon kay Almodovar, umabot sa 47 ang […]

Follow Us

%d bloggers like this: