Arranque market, bukas na; vendor at helper na walang health clearance, bawal magtinda at pumasok

Share this information:

HINDI papayagang magtinda at makapasok ng Arranque Market  ang mga vendor at helper na hindi sumalang sa swab test at walang clearance mula sa Manila Health Department (MHD). 

Ito ang direktiba ni Manila City Administrator Felixberto Espiritu kay Arranque Market Master Rith Almodovar. 

Ayon kay Almodovar, umabot sa 47 ang nagpositibo sa palengke kaya mas dinoble nila ang pag-iingat upang hindi na maulit ang pagkahawahan. 

Samantala, ang mga nagpositibo naman sa COVID-19 ay hindi rin papayagang makapasok hangga’t hindi sila nakakapagpakita ng clearance mula sa MHD at katunayan na natapos nila ang quarantine period. 

Nabatid na may ilang kaso na nagpositibo sa swab test na isinagawa sa mga staff ng Sta. Ana Hospital subalit nang magpa re-test ay lumabas na negatibo. 

Gayunman, ayon kay Almodovar, pinayuhan ang mga ito na muling magpa-swab test sa Sta. Ana Hospital  dahil hindi kinikilala ng MHD ang  swab test result mula sa mga pribadong clinic. 

Nitong Linggo ay nagbukas na ang Meat Section ng Arranque Market  at muling pinaalalahanan ang publiko na sumunod sa minimum public health standards upang makaiwas sa sakit. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.