Vaccine pricing, hindi bahagi ng CDA

Ipinaliwanag ng Department of Health (DOH) na hindi bahagi ng “confidentiality disclosure agreement” o CDA ang vaccine pricing na inilabas ni Senator Sonny Angara na aniya ay ibinigay ng ahensya noong budget hearing.

Paliwanag pa ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire sa virtual media forum na matagal na panahon na ang nasabing budget hearing kung saan noong panahon aniya ng nasabing pagdinig ay kailangan kunin ang market prices na pinost sa internet at sa website para lamang makuha ang estimation na kakailanganin ng gobyerno para makabili ng mga bakuna.

Aniya, ang mga presyo na kanilang pinost ay ang siyang kinuha ng mga legislators dahil galing naman aniya sa official source na DOH.

Pero paglilinaw ni Vergeire, matagal na panahon na ang lumipas at ngayon ay nagsasagawa na ng mga negosasyon sa iba’t-ibang vaccine manufacturers.

Dagdag pa nito, may negotiated prices nang lumalabas kaya yung una aniya nilang pinost na presyo ay dahil  kailangan lamang  nila ng estimate upang makagawa ng draft sa kanilang pangangailangan sa pondo para sa bakuna.

Inihayag din ni Vergeire na ang mga negotiated price ay nakapaloob sa CDA ng bawat manufacturers.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.