Pag-aaral sa “saliva test,” tinatapos na ng Red Cross

Share this information:

Tinatapos na ang pag-aaral at isinasapinal na lamang ang analysis ng Philippine Red Cross (PRC) sa sample ng saliva test results para sa pilot study .

Sinabi ni Department of Heath (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire sa media forum na sa Miyerkules na magpri-present ang PRC sa laboratory expert panel.

Ayon pa kay Usec. Vergeire, kapag ipinrisinta ito sa laboratory expert panel at kapag ito ay katanggap-tanggap ay isusumite naman ito sa health technology assessment council para makapagbigay din ito ng kanilang rekomendasyon.

Ang PRC naman ay kailangang magregister ng kanilang testing kit na ginagamit para sa saliva specimen para sa RT-PCR test sa Food and Drug Administration (FDA).

Paliwanag ng opisyal, kailangan ng FDA-registered testing kit para sa saliva specimen  para sa RT-PCR at ang validation study na katanggap-tanggap upang ma-adopt na ang protocol.

“If all of these are already acceptable, may FDA registration, agad-agad magagamit na natin ‘yan. We can draft a protocol so that the other laboratories can also apply this.” sabi pa ni Usec. Vergeire.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

NBI, nakikipag-ugnayan na sa Makati Medical Center para sa Dacera case

Mon Jan 18 , 2021
Nakikipag-ugnayan na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Makati Medical Center hinggil sa recovered tissues sa katawan ng flight attendant na si Cristine Dacera, na natagpuang patay sa loob ng isang hotel sa Makati noong Bagong Taon. Matapos ang ginawang re-autopsy sa bangkay ng flight attendant, susuriin na rin […]

Follow Us

%d bloggers like this: