NAKA-QUARANTINE sa ngayon si National Task Force against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. matapos itong ma-expose sa mga kasamahan sa opisina na tinamaan ng COVID-19.
Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Galvez na 15 miyembro ng kanyang staff ay nagpositibo sa COVID-19.
Humingi naman ito na paumanhin sa pangulo dahil sa hindi pagdalo ng personal sa pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) kagabi dahil kinailangan niyang mag-isolate.
Bukod kay Galvez, naka-quarantine din sina Department of Health Sec. Francisco Duque III at Department of National Defense Sec. Delfin Lorenzana na parehong na-expose din sa ilang may COVID-19.

