Naturukan ng COVID-19 booster dose sa bansa, nasa halos 2 milyonna

NASA halos 2 milyon na ang mga naturukan ng COVID-19 booster dose sa buong Pilipinas.

Batay ito sa pinaka-huling datos ng National COVID-19 Vaccination Dashboard, kung saan naitala na nasa 1.97 milyon na mga indibidwal na ang nakatanggap ng booster shot.

Nito lamang Enero 3, halos 121,000 na indibidwal ang nabigyan ng booster dose.

Ayon pa sa tala ng National COVID-19 Vaccination Dashboard, pinaka-marami sa mga nakatanggap ng COVID-19 booster dose ay ang A1 category o ang hanay ng frontline health care workers na aabot sa higit 531,000.

Sinundan ito ng A2 category o mga senior citizen, na nasa mahigit 526,000 na ang nabigyan ng booster dose; habang mahigit 518,000 naman para sa A3 o mga taong may comorbidities.

Tuloy-tuloy pa din ang pagkakaloob ng booster dose sa iba pang priority groups, at iba pang maaari nang makatanggap nito bilang dagdag-proteksyon laban sa COVID-19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.