TINIYAK ng Department of Health (DOH) na wala pang naitatalang kaso ng Lambda variant sa bansa.
Ang Lambda variant ay unang nadetect sa bansang Peru noong Disyembre 2020 kung saan kasalukuyang naitatala na rin sa 35 pang mga bansa.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, base sa pag-aaral ng World Health Organization, maituturing na variant of interest ang Lambda.
Tiniyak din ng DOH ang mahigpit na pagbabantay sa mga border ng bansa (border control) upang hindi ito makalusot dahil maihahalintulad umano ito sa Delta variant na mas mapanganib na uri ng COVID -19.
Pinayuhan naman ang mga lahat ng overseas Filipinos na sumunod sa istriktong quarantine protocol pagkarating sa bansa.