UST Men’s Basketball team head coach Aldin Ayo, nagbitiw

Pormal na nagbitiw bilang head coach ng Mens’ Basketball team ng University of Sto. Tomas (UST) na si Aldin Ayo.

Ito ang napag-alaman ng FrontpagePH.com mula sa source ng koponan kung saan nitong araw ng Huwebes, September 3, 2020 inihain ang resignation letter ni Ayo.

Ang pagbibitiw ni Coach Aldin ay base na rin sa napagkasunduan sa pagitan nito at ng University Athletic Association of the Philippines Board of Managing Directors (UAAP-BMD) kaugnay ng nangyaring training ng Growling tigers basketball team sa bayan ng Sorsogon sa kasagsagan ng COVID19 pandemic.

Nahaharap sa parusa si Coach Aldin kaugnay ng naturang kontrobersiya at nakatakdang patawan mismo ng board of trustees ng Liga sa paglabag nito sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) bunsod ng pandemya.

Inaasahan naman na aaksyon ang unibersidad sa kautusan ng UAAP-BMD habang ang buong Thomasian community, kabilang ang mga studyante, mga atleta at coaches nito ay patuloy na bumabangon mula sa kontrobersiya partikular sa epekto ng pandemya at ang lumalabas na impormasyong mabigat na parusa laban kay Ayo at sa buong koponan na kung saan ay inihahambing ito sa nangyaring malawakang suspensyon sa team La Salle noong taong 2006.

Pansamantalang hindi isina publiko ng BMD ang rekomendasyon sa naging pagpapataw ng parusa sa koponan ng Growling tigers bilang pagrespeto sa unibersidad.

Kaugnay nito ay nananatiling kuwestiyonable ang training ng koponan kung makakapagpatuloy pa sa mga ensayo kasunod na rin ng nakakagulantang na paglabas sa team ng isa sa mga players na si CJ Cansino.

Apat pa na miyembro ng koponan ng Growling tigers ang sumunod na lumisan sa kanilang team kabilang si sophomore Rhenz Abando, na napa ulat na tinatarget na makuha ng ilang kalabang koponan nitong nakaraang season.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.