Unang bugso ng roll-out ng COVID-19 vaccines na Astrazeneca, inilunsad sa Cardinal Santos Hospital

Share this information:

IN PHOTO: MISMONG si Health Secretary Francisco Duque III ang nagturok sa 69-taong gulang na Senior Vice President at Chief Medical Officer ng Cardinal Santos Medical Center (CSMC) na si Dra. Zenaida Javier-Uy, ang kauna unahang pinoy medical frontliner na nabakunahan ng COVID-19 vaccine na Aztrazeneca na dumating sa bansa nitong araw ng Biyernes. Ang Cardinal Santos sa San Juan City ang lugar na unang roll-out ng Aztrazeneca vaccinations para sa mga health workers na inilunsad ngayong araw ng Sabado, Marso 6, 2021.

PINANGUNAHAN ni Health Secretary Francisco Duque III ang unang roll-out ng Astrazeneca vaccine sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City ngayong araw ng Sabado, Marso 6, 2021.

Mismong ang kalihim ang nagturok ng bakuna sa 69-anyos na Senior Vice President at Chief Medical Officer ng nasabing ospital na si Dra. Zenaida Javier Uy, ang kauna-unahang pinoy medical worker na nabakunahan ng Astrazeneca.

Ayon kay Uy, wala pa naman siyang naramadamang side effect magmula nang siya ay naturukan ng bakuna.

Batay sa impormasyon, nasa 500 dose ng Astrazeneca ang natanggap ng CSMC nitong madaling araw ng Sabado para sa unang roll-out ng vaccinations sa San Juan City para sa kanilang health workers at frontliners.

Bukod sa nabanggit na bilang ng Astrazeneca, nasa 1300 dose naman ng bakuna ng Sinovac ang nabiyaya sa CSMC.

Ayon naman kay Koryn Iledan, ang tagapagsalita ng ospital, mahigit dalawang libo ang mga tauhan ng Cardinal Santos hospital kung saan 1900 dito ang nakatakdang maturukan ng bakuna sa loob ng walong araw.

Naitala ng CSMC na nasa mahigit 400 na healthcare workers ang naturukan ng bakuna matapos ang vaccinations program.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

6-anyos na lalaki, narekober na tadtad ng tama ng saksak sa damuhan

Sat Mar 6 , 2021
WALA ng buhay at tadtad ng tama ng saksak sa ibat ibang parte ng katawan ang isang 6-taong gulang na lalaki ng matagpuan sa tabi ng sapa sa Davao City kagabi, araw ng Biyernes, Marso 5, 2021. Mismong ang tiyuhin ang nakatagpo sa bangkay ng biktima dakong alas 6:40 ng […]

Follow Us

%d bloggers like this: