6-anyos na lalaki, narekober na tadtad ng tama ng saksak sa damuhan

Share this information:

WALA ng buhay at tadtad ng tama ng saksak sa ibat ibang parte ng katawan ang isang 6-taong gulang na lalaki ng matagpuan sa tabi ng sapa sa Davao City kagabi, araw ng Biyernes, Marso 5, 2021.

Mismong ang tiyuhin ang nakatagpo sa bangkay ng biktima dakong alas 6:40 ng gabi sa Barangay Toril.

Batay sa paunang impormasyon ng Davao City police, alas 4 ng hapon ng Biyernes, Marso 5, 2021, nagpaalam umano ang biktima na maliligo lamang sa sapa subalit makalipas ang ilang oras ay nag-alala na ang tiyuhin dahil magtatakip-silim na ay hindi pa nakakabalik sa kanila ang bata.

Hindi naman malinaw sa imbestigasyon kung sino ang naging kasama ng batang biktima na nagtungo sa sapa at kung sino ang huling nakasama nito.

Bukod sa mga sugat dahil sa pananaksak, mayroon ding sugat sa ulo ang biktima na pinaniniwalaang dulot ng pagpukpok gamit ang isang bato.

May person of interest (POI) na ang pulisya sa brutal na insidente ng pagpatay sa bata na ngayon ay patuloy na tinutugis habang nagpapatuloy din ang pagsisiyasat sa insidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.