Dispatcher, pinagbabaril sa Cavite

Share this information:

Patay ang isang dispatcher matapos itong pagbabarilin ng di pa nakikilalang lalaki kahapon ng hapon sa Atlas, Interpasion, Brgy. H2, Dasmarinas City.

Nakilala ang biktimang si Arjay Barrameda Espinida, 25 taong gulang, na isang dispatcher ng mga sasakyan sa lugar.

Base sa salaysay ng mga saksi, nakitang paparating ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo at pumarada ito nang bigla na lang lumapit sa gawing likuran ng biktima ang suspek saka pinagbabaril ito ng maraming beses sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Dead on the spot si Barrameda habang mabilis na nakatakas papalayo ang suspek.

Ini-imbestigahan na ng Provincial Crime Laboratory Office (PCLO) ang pinangyarihan ng krimen.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Unang bugso ng roll-out ng COVID-19 vaccines na Astrazeneca, inilunsad sa Cardinal Santos Hospital

Sat Mar 6 , 2021
IN PHOTO: MISMONG si Health Secretary Francisco Duque III ang nagturok sa 69-taong gulang na Senior Vice President at Chief Medical Officer ng Cardinal Santos Medical Center (CSMC) na si Dra. Zenaida Javier-Uy, ang kauna unahang pinoy medical frontliner na nabakunahan ng COVID-19 vaccine na Aztrazeneca na dumating sa bansa […]

Follow Us

%d bloggers like this: