UAE, isasama na ng DOH sa travel ban

Share this information:

Isasama na  ng Department of Health (DOH) sa  talaan ng may na-detect na UK variant ang United Arab Emirates (UAE).

Sinabi ni DOH Sec. Francisco Duque III na kanila nang irerekomenda sa Office of the President na maisama ang UAE sa travel ban.

Aniya, tiyak naman na ito ay aaprubahan ng pangulo kung saan ngayon pa lamang aniya ay isinasama na sa bagong protocol ang mga bansang mayroong naiulat na may UK variant.

Dagdag pa ng kalihim, mayroon ng bagong protocol patungkol sa mga bansa kung saan nag-impose ng travel restrictions o travel ban kaya ito aniya ng gagamitin sa bagong protocol kahit sa UAE.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.