Breaking News

Share this information:

Patay ang dalawang katao habang malubha namang nasugatan ang dalawang iba pa matapos pagsasaksakin ng isang mister na kanilang nakainuman sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala nina Caloocan police homicide investigators PSSgt. Jenny Ryan Rodriguez at PCpl. Romnick Fabroa ang nasawing mga biktima na si alyas Ben at alyas Michael Talastas habang ginagamot naman sa ospital sina Raul Dais at Mario Andoy dahil din sa mga tinamong sakask sa katawan.

Ayon naman kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., iprinisinta sa inquest proceedings sa Caloocan City Prosecutor’s Office para sa kasong two counts of murder at two counts of frustrated murder ang suspek na si Anthony Leyte, 45, ng Golden Ville, Brgy. 167, Llano.

Sa inisyal na imbestigasyon, bumisita ang mga biktima sa kanilang kaibigan na si Teodorico Gabugan sa Golden Ville, Brgy. 167, Llano kung saan nagkaroon ng inuman ang mga ito kasama ang suspek na kapitbahay ni Gabugan.

Matapos makaubos ng ilang bote ng alak, nagpasya ang mga biktima na umalis dakong alas-9:10 ng gabi kung saan sinamahan sila palabas ng bahay ng live-in partner ni Gabugan na si Emma, 55, nang bigla na lamang lumapit ang suspek na armado ng patalim.

Dito, pinagsasaksak ng suspek sa katawan ang mga biktima sa hindi pa malaman na dahilan bago mabilis na tumakas subalit kalaunan ay kusang loob namang sumuko ito sa mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 7.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: